Huwebes, Hunyo 16, 2011

Kwek-kwek Kayo Dyan!

Isa sa aking pangunahing target sa food tripping ay ang kalsada. Ito nga marahil ang isa sa mga lugar na makikita ang mga samo't-saring mga paninda ng ilan nating mga kababayan, kilala sa tawag na "street vendors" At isa sa mga pinakapaborito kong bilhin ay ang "KWEK-KWEK" also known as "tukneneng" 

Tuwing ala sais ng gabi nagsisilabasan ang mga street vendors sa lahat ng mga kalsada sa buong Pilipinas. Ang una kong hinahanap ay ang kwek-kwek. Ang kwek-kwek ay gawa sa itlog ng pugo na binalutan ng malutong na coating na gawa sa harina at seasoning. Pagkatapos ay idi-deep fry hanggang maging malutong ang coating. Masarap siyang isawsaw sa gravy o kaya naman sa sukang puti na may siling labuyo at sibuyas.  Sinasabi nga nilang hindi daw ito ordinaryong itlog dahil sa kakiba nitong itsura at lasa.

Isa sa mga vendors ang aking nakapanayam, sabi niya karaniwan sa mga mamimili ay kwek-kwek ang binibili at patok na patok sa mga estudyante. Kung sabagay, masarap nga naman talaga siya at hindi lang iyon may mga nutritional facts din siya. Maliban sa enerhiyang ibinibigay nito ay nagtataglay din ito ng protina. 


Hay!!! Ang sarap talaga ng mga pagkaing Pinoy! Masarap na swak na swak pa sa budget at pwedeng-pweding mapagkakakitaan. Kung gusto ninyong magnegosyo ng kwek-kwek narito ang reciping hiningi ko pa sa isang vendor ng kwek-kwek:

Kwek Kwek Ingredients:

  • 1 dozen peeled hard boiled quail eggs (or chicken eggs)
  • 1 cup flour
  • 1/2 cup water
  • few drops of food coloring (orange?)
  • salt and pepper to taste
  • cooking oil

Kwek Kwek Cooking Instructions:

  • Put the quail eggs in a clean plastic bag/zip lock, with 1/4 cup flour.
  • Shake em until eggs are evenly coated.
  • Mix all remaining ingredients except cooking oil.
  • Use a wire whisk or fork, mix it to a smooth batter.
  • Dump those little eggs to the batter.
  • Put enough cooking oil for deep frying in a shallow pan. heat it.
  • Spoon out those eggs from the batter and chuck it in the hot cooking oil.
  • Wait till it cooks, about a minute or so. until the coating is crispy.
  • Serve with sweet gravy or vinegar. 
Makikita din ang recipe na ito sa:  http://www.pinoyrecipe.net/kwek-kwek-recipe-tukneneng/

Enjoy sa pagluluto at mas enjoyin nyo din ang pagkain. Tip ko lang, kung bibili sa mga street vendors ay piliing mabuti ang bibilhin at tingnan kung ito'y matingkad ang kulay. Ibig sabihin bago pa iyan.

Hanggang sa susunod!

Martes, Hunyo 14, 2011

Yummy Polvoron!

Alam nyo ba na halos animnapung pursyento (60%) sa mga Pilipino ay mahilig magluto at halos siymnapung pursyento (90%) naman ang mahilig kumain?

Isa sa mga sikat na mga pagkaing Pinoy na pinoy ay ang polvoron. Ang polvoron ay talagang naggaling sa Espanya. Ang salitang polvoron ay nagmula sa salitang polvo na ang ibig sabihin ay pulbos. Sa ibang bansa ay kilala ito sa tawag na Spanish Shortbread. Ito ay naging pupolar sa Espanya at Latin Amerika. Nang sakupin tayo ng mga Espanyol ay ibinahagi nila sa atin ang paggawa ng nito.

Ang polvoron ay gawa sa tinustang harina, mantikilya, gatas at asukal. Ito ang mga pangunahing sangkap ng katakam-takam na polvoron. Ngunit ang iba nama'y naglalagay ng iba't-ibang sangkap kaya't nagkakaroon ito ng flavor. Kagaya halimbawa ng pinipig, kasoy, kape, tsokolate at marami pang iba.

Isa ito sa mga paborito kong kainin kung saan naging business na rin ng aming pamilya. Maging ang mga iba nating mga kababayan ay ito na rin ang pinagkikitaan. kaya naman nagkaroon na ito ng iba't-ibang bersyon sa buong Pilipinas.

Nagustuhan ko ang pagkain nito magmula nang ako'y nasa elementary pa lamang. Nagluluto ang nanay at ibinibinta ko sa mga kakalase ko sa halagang 50 sentimos. Nang mag-highschool ako naging piso ang bili nito at hanggang ako'y nagkolehiyo ay nagbebenta pa rin ako nito. Masarap siya laung-lalo na kapag inuunti-unti mo siyang kainin. Malalasahan mo talaga ang pinaghalong mga sangkap nito. Minsan sinasabayan ko nangorange juice para naman magkaroon ng thrill yung lasa. Ang polvoron ay isa sa mga pangunahin kinahihiliganng kainin o kukutin ng mga pinoy tuwing snack time o kaya naman ay pangpalipas oras. Makikita ito kahit saang sulok ng Pilipinas. Nakabalot ng papel o kaya naman ay plastic wrapper na may iba't-ibang kulay na talagang "eye catcher" sa mga mamimili!!!

Gusto mong matikman?