Martes, Hunyo 14, 2011

Yummy Polvoron!

Alam nyo ba na halos animnapung pursyento (60%) sa mga Pilipino ay mahilig magluto at halos siymnapung pursyento (90%) naman ang mahilig kumain?

Isa sa mga sikat na mga pagkaing Pinoy na pinoy ay ang polvoron. Ang polvoron ay talagang naggaling sa Espanya. Ang salitang polvoron ay nagmula sa salitang polvo na ang ibig sabihin ay pulbos. Sa ibang bansa ay kilala ito sa tawag na Spanish Shortbread. Ito ay naging pupolar sa Espanya at Latin Amerika. Nang sakupin tayo ng mga Espanyol ay ibinahagi nila sa atin ang paggawa ng nito.

Ang polvoron ay gawa sa tinustang harina, mantikilya, gatas at asukal. Ito ang mga pangunahing sangkap ng katakam-takam na polvoron. Ngunit ang iba nama'y naglalagay ng iba't-ibang sangkap kaya't nagkakaroon ito ng flavor. Kagaya halimbawa ng pinipig, kasoy, kape, tsokolate at marami pang iba.

Isa ito sa mga paborito kong kainin kung saan naging business na rin ng aming pamilya. Maging ang mga iba nating mga kababayan ay ito na rin ang pinagkikitaan. kaya naman nagkaroon na ito ng iba't-ibang bersyon sa buong Pilipinas.

Nagustuhan ko ang pagkain nito magmula nang ako'y nasa elementary pa lamang. Nagluluto ang nanay at ibinibinta ko sa mga kakalase ko sa halagang 50 sentimos. Nang mag-highschool ako naging piso ang bili nito at hanggang ako'y nagkolehiyo ay nagbebenta pa rin ako nito. Masarap siya laung-lalo na kapag inuunti-unti mo siyang kainin. Malalasahan mo talaga ang pinaghalong mga sangkap nito. Minsan sinasabayan ko nangorange juice para naman magkaroon ng thrill yung lasa. Ang polvoron ay isa sa mga pangunahin kinahihiliganng kainin o kukutin ng mga pinoy tuwing snack time o kaya naman ay pangpalipas oras. Makikita ito kahit saang sulok ng Pilipinas. Nakabalot ng papel o kaya naman ay plastic wrapper na may iba't-ibang kulay na talagang "eye catcher" sa mga mamimili!!!

Gusto mong matikman? 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento