Tuwing ala sais ng gabi nagsisilabasan ang mga street vendors sa lahat ng mga kalsada sa buong Pilipinas. Ang una kong hinahanap ay ang kwek-kwek. Ang kwek-kwek ay gawa sa itlog ng pugo na binalutan ng malutong na coating na gawa sa harina at seasoning. Pagkatapos ay idi-deep fry hanggang maging malutong ang coating. Masarap siyang isawsaw sa gravy o kaya naman sa sukang puti na may siling labuyo at sibuyas. Sinasabi nga nilang hindi daw ito ordinaryong itlog dahil sa kakiba nitong itsura at lasa.
Isa sa mga vendors ang aking nakapanayam, sabi niya karaniwan sa mga mamimili ay kwek-kwek ang binibili at patok na patok sa mga estudyante. Kung sabagay, masarap nga naman talaga siya at hindi lang iyon may mga nutritional facts din siya. Maliban sa enerhiyang ibinibigay nito ay nagtataglay din ito ng protina.
Hay!!! Ang sarap talaga ng mga pagkaing Pinoy! Masarap na swak na swak pa sa budget at pwedeng-pweding mapagkakakitaan. Kung gusto ninyong magnegosyo ng kwek-kwek narito ang reciping hiningi ko pa sa isang vendor ng kwek-kwek:
Kwek Kwek Ingredients:
- 1 dozen peeled hard boiled quail eggs (or chicken eggs)
- 1 cup flour
- 1/2 cup water
- few drops of food coloring (orange?)
- salt and pepper to taste
- cooking oil
Kwek Kwek Cooking Instructions: |
- Put the quail eggs in a clean plastic bag/zip lock, with 1/4 cup flour.
- Shake em until eggs are evenly coated.
- Mix all remaining ingredients except cooking oil.
- Use a wire whisk or fork, mix it to a smooth batter.
- Dump those little eggs to the batter.
- Put enough cooking oil for deep frying in a shallow pan. heat it.
- Spoon out those eggs from the batter and chuck it in the hot cooking oil.
- Wait till it cooks, about a minute or so. until the coating is crispy.
- Serve with sweet gravy or vinegar.

Hanggang sa susunod!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento